AGAD na nagpamalas ng lakas ang Davao Cocolife Tigers upang patirikin ang Navotas Clutch,94-7, sa eliminasyon ng 2019-2020 Lakan Season Maharlika Pilipinas Basketball League kamakalawa sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos City.

Muling rumatsada ang veteran gunner ng Davao Cocolife na si Billy Robles sa pagtikada ng game high 24 puntos, limang rebounds at isang assists sapat na upang tanghaling Best Player of the Game

Kaagapay ang mga bagitong Tigers na sina James Forrester,Kenneth Mocon ,Ivan Ludovice,deadshot Joseph Twerso at main man Mark Yee, maagang kumawala ang koponan ni Dumper Party List Congresswoman Claudine Bautista sa ayuda nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque, tungo sa pagposte ng ika-pitong panalo at manatiling nasa tuktok ng team standing sa South division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Muling inilatag ni Tigers head coach Don Dulay ang pamoso nitong ‘high octane- defense’ kasabay ng madulas na opensa maging ng ikalawang tropa nito sa kabilang dulo upang pigilan ang tangkang rally ng oposisyon sa panimula ng ikatlong yugto sa pangunguna nina Clutch cagers Kojac Melegrito at Jong Bondoc [topscorer para sa Navotas na may kamadang 16 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa pulidong liderato ng nagbabalik mula injury na si veteran playmaker Bonbon Custodio, lumobo pa ang bentahe ng Tigers na umabot sa 20 puntos, 59-39 sa dalawang kombersiyon ni Calo sa 16-foot line, may 5:20 bago ang pinal na quarter tungo sa isa na namang lopsided victory para sa Davao Cocolife na tangan ang 7-1 record.

Dumausdos ang Navotas sa 2-3 marka.

Sinabi naman ni Davao Cocolife deputy team manager Ray Alao na ang kanilang nakaraang back-to-back lopsided wins ay magsisilbing motibasyon para sa susunod na kalabang itinuturing din na title contender na Bataan Risers nitong Linggo sa FilOil Arena.