HINDI naman siguro kagagalitan ng Viva si Janno Gibbs dahil inunahan nito ang Viva Films na i-post ang music video ng theme song ng movie nila nina Andrew E at Dennis Padilla sa movie nilang Sanggano Sanggago Sanggwapo na showing sa September.

IMG_4730

Title rin ng pelikula ang title ng theme song na sinulat siguro ni Janno at kinanta nilang tatlo. Catchy ang song, madaling tandaan at magustuhan tiyak, ma-e-LSS ang tao.

Speaking of Janno, siya ang nag-dub ng boses ng veteran actor na si Eddie Garcia na kasama sa cast ng Sanggano Sanggago Sanggwapo, kaya hindi na namurublema ang Viva Films na maghanap ng kaboses ng veteran actor.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nag-post si Janno ng video ng kanyang recording at kaboses niya talaga si Eddie Garcia. “What an honor dubbing Mr. Eddie Garcia’s voice for a couple of scenes in our upcoming movie ‘Sanggano Sanggago Sanggwapo.”

Isa lang ang nabanggit na pelikula sa mga pelikulang gagawin ni Janno sa Viva Films dahil kasama rin siya ni Dingdong Dantes sa A Hard Day at kasama rin sa MMFF entry ng Viva Films na Miracle in Cell no. 7.

Parang kailan lang, naglabas ng sentiments niya si Janno na hindi siya nasama sa Station ID ng ABS-CBN na understandable dahil hindi naman siya Kapamilya. At least ngayon, sunud-sunod ang projects niya sa movies at recording, saka na ang TV show.

-Nitz Miralles