‘Never-say-die’ Ginebra Kings, hihirit ng do-or-die sa Katropa
BUHAY na muli ang sigla sa barangay. Sa isa pang pagkakataon, muling nakasalba ang Barangay Ginebra Kings sa pamamaalam sa 2019 PBA Commissioners Cup.
Ngunit, hanggang saan ang ‘Never Say Die’ spirits ng Kings?
Nagbabanta para sa isa pang kasaysayan sa pro league, haharapin ng Kings ang liyamadong TNT KaTropa sa Game 4 ngayon, target na maitabla ang best-of-five semifinals series at makapuwersa ng do-or-die.
N a k a i w a s s a pagkakasibak ang Ginebra nang gapiin ang TNT, 80-72, sa Game Three nitong Martes sa Araneta Coliseum.
Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi sa Big Dome.
“We’re still alive, we’re still kicking, and we’re still moving forward,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.
Nguni t , inamin ng multi-titled at league’s most winningest mentor na mahihirapan silang masundan ang naturang panalo.
“It was tough. We just got to see if we can turn around and try to get two,” ayon kay Cone. “The old clich?, one at a time. That’s what really is.”
Sa kabilang dako, tiyak naman ang pagbabago sa porma ng Katropa para tuluyang masupil ang Kings at makausad sa championship match.
Normal nang ibaling ang sisi sa ‘offiating’, subalit iginiit ng KaTropa na kailangan nilang magsikap para tapusin ang serye.
Naging masikip ang rim sa Katropa sa Game 3 matapos makadalae lamang ng limang three-pointers kumpara sa 16 nagawa nila sa Game 2.
“Naturally anytime we go 5-for-34 from the three – and I was really happy with the majority of looks we got – we’re gonna be in trouble,” pahayag ni TNT consultant Mark Dickel.“We gotta make some shots, play a little bit better, and hopefully in Game Four it’s different.”
Inamin din ng American consultant na talagang na-outplay sila ng Kings sa nakaraang laro kung kaya kailangan nilang tapatan kung hindi man higitan ang effort ng kalaban.
“Ginebra played a really good game. They made some adjustments and made it difficult for us. They played a really good game so we gotta give them credit,” ani Dickel.“It’s on us now to come back and play tougher in Game 4.”
-Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7:00 n.g. -- TNT vs Ginebra