WALANG duda na nangunguna ang basketball sa sports ng sambayanan kaya’t hindi kataka-taka na umaapaw ang talento ng Pinoy sa local at international tournament.

Sa batang edad, marami ang nakakitaan ng talento na posibleng maging bahagi ng kampanya ng bansa sa Philippine Team.

At kabilang ang anim na batang cagers sa may malaking potensyal na umangat sa sports at maging miyembro ng Nationals sa hinaharap ang naka-daupang-palad ng Manila Bulletin Sports. Ang 12-under players ay sina Rocco Melicor, Gian Gomez, Lebron Manding, Daryl Valdeavilla, Chadrick Timbol, at Jaime Gomez De Liano.

Magkakaiba ang koponan na kinabibilangan ng anim, ngunit nagkakaisa sila sa pananaw na kailangan ang sapat na pagsasanay at kahandaan para matupad ang pangarap na career sa basketball.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

FUTURE PH CAGERS! (Mula sa kaliwa) Rocco Melicor, Chadrick Timbol, Gian Gomez. (Ikalawang hanay) Lebron Manding, Jaime Gomez De Liano and Daryl Valdevilla.
FUTURE PH CAGERS! (Mula sa kaliwa) Rocco Melicor, Chadrick Timbol, Gian Gomez. (Ikalawang hanay) Lebron Manding, Jaime Gomez De Liano and Daryl Valdevilla.

“I need to improve on my shooting kasi I am small. So puro drive lang ako. I need to practice on my mid-range shots,” pahayag ni Melicor.

Kinatigan ito ni Valdevilla, higit at naniniwala siya na mas magiging epektobo ang isang player kung ma-develop ang abilidad sa outside shooting.

“I think there is more room for improvement. I am more of a slasher and I feel I need to improve more on shooting,” ayon kay Valdevilla.

Para kina Gomez at Gomez De Liano (nakababatang kapatid ni UP Fighting Maroons star Juan Gomez De Liano), nakatuon ang kanilang pansin sa ball-handling at speed na kailangan para sa isang point guard.

Ang pinakamaliit sa grupo na si Manding ay pursigido naman na maging all-around player na tulad ng kanyang idolo na sina Scottie Thompson, Paul Desiderio, at Juan Gomez De Liano, na pawang nangingibabaw sa laban dahil sa taglay na bilis.

Nais naman tularan ni Timbol ang idolong si Thirdy Ravena ng Ateneo Blue Eagles.

“Thirdy Ravena is a player who does not use his height for battling people. He uses his skill level when going up against other basketball players and power to score,” ayon kay Timbol.

Anuman ang maging kaganapan sa kanilang paglalakbay, siguradong magtatagumpay ang anim kung pananatilihin ang marubdob na hanrin na masanay at matuto.

-Brian Yalung