Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Ginebra vs TNT

GANAP na mawalis ang serye at masiguro ang pag-usad sa kampeonato ang tatangkain ng TNT ngayon paglarga ng Game 3 ng kanilang best-of-five semifinal series laban sa Barangay Ginebra sa 2019 PBA Commissioners Cup.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

INASINTA ni TNT KaTropa guard Jayson Castro ang basket sa harap ng depensa ni Barangay Ginebra San Miguel import Justin Brownlee sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semifinal match. Nagwagi ang TNT, 88-71, para sa 2-0 bentahe. (PBA Images)

INASINTA ni TNT KaTropa guard Jayson Castro ang basket sa harap ng depensa ni Barangay Ginebra San Miguel import Justin Brownlee sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semifinal match. Nagwagi ang TNT, 88-71, para sa 2-0 bentahe. (PBA Images)

Magsisimula ang ikatlong sunod na tapatan ng Katropa at ng Kings ngayong 7:00 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Ginapi ng KaTropa ang Kings nitong Linggo, 88-71, para sa 2-0 bentahe at lumapit sa inaasam na sweep sa serye.

Itinala ni import Terrence Jones ang kanyang ikaapat na triple-double sa conference makaraang tumapos na may 15 puntos, 19 rebounds at 10 assists at kabalikat sina Jayson Castro, Roger Pogoy at Troy Rosario nasundan ng TNT ang 95-92 panalo sa series opener.

Ayon kay Katropa coach Bong Ravena, wala silang babaguhin sa kanilang diskarte.

“Next game preparation namin same thing,” ani Ravena. “We expect them to come out strong.”

Sa panig naman ng Ginebra, ngayong nabaon sila ng 0-2 sa serye, wala na silang pagpipilian kundi sandigan ang kanilang malalim na pananaw sa “Never Say Die” spirt upang patuloy na buhayin ang tsansa na maidepensa ang korona.

“To be honest, just having that Never Say Die type of attitude,” tugon ni import Justin Brownlee sa katanungan kung paano nilang babaligtarin ang kasalukuyang sitwasyon sa serye.

“I know coach (Tim Cone)will definitely go make some adjustments. We just then approach the game with a Never Sy Die attitude,” aniya.

-Marivic Awitan