NAKITA ko sa group page ng mga magsasaka sa Facebook ang pictures ni Zsa Zsa Padilla na napakagaan ng aura habang namimitas ng kanyang mga pananim at nagpapahinga sa farm nila ng kanyang fiance na si Architect Conrad Onglao. Napakalayo sa itsurang stressed kapag nasa showbiz siya.

zsa zsa

Agad akong kumontak sa kaibigan kong si Chuck Gomez na alam kong malapit kay Zsa Zsa at humingi ng ilang detalye tungkol sa farm life ng Divine Diva na iilan pa lang ang nakakaalam.

“It has always been in her bucket list,” kuwento ni Chuck. “Hindi lang niya magawa before, pero ngayon kahit busy siya binibigyan niya ng oras.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagpadala ako ng ilang katanungan at hindi nabigo dahil pinagbigyan din agad na sagutin ng singer/actress/ farmer.

Bakit niya nagustuhan ang farming?

“Nakakatanggal ng stress ang farming,” sagot ni Zsa Zsa. “Ang sarap nu’ng may inaalagaan kang halaman that will grow into something na puwedeng makain at maganda sa katawan. Zen ang farming.”

Kailan napasali sa bucket list niya ang farm life?

“Childhood dream and naging plan na din dahil sa stress sa showbiz.”

Anu-ano ang mga itinatanim niya bukod sa eggplant at gabi na nasa picture?“ Patapos na ‘yung raised beds. Magtatanim pa lang kami ng maramihan.

Pero may rice na din kami! May existing na bananas -- all kinds. Suha, santol, jack fruit, orange, etc. Hindi masyadong bongga ang fruits du’n.”

Ginalugad ko ang social media accounts ni Zsa Zsa at nalamang dini-develop pala nila ni Architect Onglao para maging agri-tourism destination ang nabili nilang farm sa Lucban, Quezon.

Balak nilang buksan ito sa publiko sa 2020.

Naririto ang post ni Zsa Zsa noong nakaraang taon.

“Hi, guys! Construction of our farm house already started. We are also building ponds along the property and can’t wait to show you when it’s finished.

“I want to take a picture at this very spot when it’s done, hopefully by next year. #farmhouse #farm

“This has been a project of ours since March of this year (2018). Architect Conrad has such a great vision for this place -- I know... lucky me!!!

“It’s super exciting to see a property develop. When we bought it, it was just untamed land but we relied more on our ‘gut feel’ about the place. We are grateful to build this dream project together... for us, and for our family. #buildingdreams”. Casa Esperanza ang ipinangalan nila sa lugar na unti-unti nang nagiging popular sa mga taga-Quezon Province. Maganda ang kuwento ni Zsa Zsa kung bakit Casa Esperanza ang napili nila.

“To those of you who may not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right?

“Something that we all should always have -- hope in keeping our dreams alive, hope in people, hope in the future of our children and hope each act of kindness brings happiness to others. I am not yet in a position to say much and answer all of your questions but this much is true: BE STRONG AND MOVE ON. HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL. Love and peace to everyone.”

-DINDO M. BALARES