KINUMPIRMA ni Kris Aquino na gagawin niya ang Metro Manila Film Festival entry na (K)Ampon na produced ng Quantum Films sa post niya sa Instagram (IG) na, “I’ll start shooting ‘(K)Ampon’ in a couple of weeks.”

Dahil dito, matitigil na ang usap-usapan na hindi magagawa ni Kris ang MMFF entry. Nadawit pa nga sa isyu ang aktres Jodi Sta. Maria dahil ito raw ang papalit kay Kris sa pelikula.

Ang hindi pa kumpirmado ay kung matutuloy si Derek Ramsay na makasama ni Kris sa (K)Ampon . Hectic daw ang schedule ng aktor dahil bukod sa taping ng The Better Woman, naglalaro ito ng basketball at frisbee.

Samantala, sinagot ni Kris ang puna ng isa niyang follower na magulo ang kuwarto niya.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

“My fault ‘yung kalat, may pinapahanap ako hindi sila nakapagligpit. Generally maayos na and clutter free.”

May mga sumunod na suggestion na ayusin daw ni Kris ang kanyang kuwarto, pero tama ang comment ng isa na maraming gamit si Kris, kaya ang tingin natin ay masikip at makalat.

-Nitz Miralles