Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Ginebra vs TNT

MATINDING tapatan partikular ng kani-kanilang mga reinforcements ang magsisimula ngayong gabi sa duwelo ng TNT at Barangay Ginebra para sa pagbubukas ng 2019 PBA Commissioners Cup semifinals sa Araneta Coliseum.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ganap na 7:00 ng gabi mag-uumpisa ang best-of-five semifinal playoff ng Katropa at ng Kings kung saan ang mananalo ay susulong sa titular series kontra sa magwawagi sa isa pang semifinals matchup sa pagitan ng San Miguel Beer at sa magwawagi sa quarterfinals duel ng Rain or Shine at Blackwater.

Inaasahang magiging dikdikan ang labanan ng dalawang koponan lalo’t sabik na muling makabalik ng finals ng Katropa habang gusto namang ipagtanggol ng Kings ang hawak nilang titulo.

Muling sasandigan ng TNT upang mamuno sa kanilang misyon na makaabot ng finals ang import nilang si Terrence Jones na nagsalba sa kanila mula sa tangkang upset ng Alaska sa quarterfinals.

“Hopefully, umabot din ng finals kasi yun yung main goal namin this conference,” pahayag ng pangunahing local player ng TNT na si Jayson Castro na aminadong hindi magiging madali ang susuungin nilang duwelo.

“Kaso versus Ginebra, alam naman natin na sila yung defending champion. Tapos yung mga past season nila, sila yung nagcha-champion.Mahirap talaga but hopefully, makatawid din sa kanila.”

Naniniwala naman ang Kings na malaking bagay ang naging quarterfinals series nila kontra Magnolia dahil naihanda sila nito para sa laban nila kontra Katropa bagamat aminadong mahirap sa serye.

“It’s going to be tough. But I think the good thing about it is TNT is a little bit similar to Magnolia.They got quick guards and like to pressure.But still, it’s just gonna be tougher and we must expect that,” pahayag ng reigning Best Import na si Justine Brownlee.

-Marivic Awitan