Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Blackwater vs Rain or Shine

MATAPOS maitabla ang best- of- three quarterfinals series ng Rain or Shine nitong Martes, ginarantiyahan ni import Greg Smith ang pag-usad ng kanilang koponang Blackwater sa semis ng 2019 PBA Commissioners Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Yes, I’m gonna guarantee you,” pahayag ng dating manlalaro ng Houston Rocket matapos ang kanilang 100-96 na panalo sa Game 2 kontra Elasto Painters.

“I’m confident in my guys, they’re confident in me. I know that team is gonna come out and say they’re gonna give it all their got. I know they wanna win it too,” aniya.

Dahil sa nasabing panalo, naitakda ang winner-take-all Game 3 ng dalawang koponan ganap 7:00 ngayong gabi sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Para kay Smith, malaki ang kanilang tsansa lalo’t maglalaro silang nagkakaisa at ibibigay ang kanilang makakaya.

“Me personally, I feel like we got it. As long as we play together, play hard, we’re gonna get this win.”

Maliban kay Smith na tumapos na 31 puntos at 18 rebounds noong Game 2, aasahan din ni coach Aries Dimaunahan para pamunuang ihatid ang prangkisa ng Elite sa una nitong semifinals appearance sina ace rookie Ray-ray Parks, Mike DiGregorio at Mac Belo.

-Marivic Awitan