BILANG pagdiriwang ng Pilipinas para sa Ika-isandaang Taon ng Pelikulang Pilipino, kabilang ang bansa bilang Spotlight Country sa ika-22 Guanajuato International Film Festival (GIFF), na nagsimula na ganapin sa World Heritage sites sa Guanajuato, San Miguel de Allende, Mexico nitong Hulyo 19 at tatagal hanggang 28.
Sa pamumuno ng Philippine Embassy sa Mexico, tutulong ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ng Philippine Spotlight Program. Sasali rin ang Pilipinas bilang Guest Country sa GIFF, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Department of Tourism (DoT), Tourism Promotions Board (TPB), ABS-CBN Films (Star Cinema), at Cinematografo.
“Isang dakilang karangalan na napili ang Pilipinas bilang unang Southeast Asian Spotlight Country sa Guanajuato International Film Festival. Perfect opportunity rin ito para dalhin ang best ng Philippine cinema at ating kultura sa Mexico, na kabahagi natin sa isang mahabang kasaysayan. Ang FDCP ay nalulugod na pangunahan ang partisipasyon ng bansa sa isang malaking film festival,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.
Bukod sa mga pelikula, ibibida sa GIFF ang kultura ng Pilipino, gayundin ang musika at pagkain ng bansa. Magkakaroon ng conference sa History of Philippine cinema: Cinema, Colonization, and Culture ang University of the Philippines Film Institute (UPFI) film historian at educator na si Nick Deocampo; isang Mexico-Philippines Bilateral Forum sa pakikipagtulungan kasama ang Instituto Mexicano de Cinematografía (IMCINE); at isang musical concert na dadaluhan ng isang libong inaasahang bisita. Si FDCP Chairperson Liza Diño, na isa ring chef, ay magluluto ng isang 8-course dinner para sa VIPS ng Filipino-Mexican fusion cuisine.
Kasama sa cook-off ang Mexican chef na si Marcela Bolaño, ang chef at may-ari ng Marsala, Cocina con Accen, at MB Catering by Desing sa San Miguel de Allende.
Tatlumpung (30) pelikula ang ipalalabas sa GIFF sa iba’t ibang sections, kabilang na rito ang Philippine Cinema Retrospective: Cinema, Colonialism, Culture, Kidlat Tahimik, QCinema/Contemporary Films, Short Films from Philippine Archipelago, at In Special Program/Section.
Tampok sa ipalalabas na pelikulang Pilipino ang mga obra nina Kidlat Tahimik, Lino Brocka, Lamberto Avellana, at Fernando Poe, Jr. Ang iba pang Pinoy filmmakers na magpapakita ng kanilang galing sa GIFF sa pamamagitan ng kanilang mga obra ay sina Brillante Mendoza, Mario Cornejo, Sheron Dayoc, at Khavn De La Cruz. Ang ABS-CBN ay lalahok din sa GIFF.
Ang mga pelikulang kasapi sa Philippine Cinema Retrospective: Cinema, Colonialism, Culture: A Portrait of the Artist as Filipino - Lamberto Avellana, 1965; Maynila sa mga Kuko ng Liwanag (Manila in the Claws of Light) - Lino Brocka, 1975; Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (As we were) - Eddie Romero, 1976; Pagbabalik ng Lawin - Fernando Poe Jr., 1975; Batch ‘81 - Mike De Leon, 1982; Oro, Plata, Mata - Peque Gallaga, 1982; Himala (Miracles) - Ishmael Bernal, 1982; Noli Me Tangere - Gerardo de Leon, 1961; Karnal - Marilou Diaz Abaya, 1983.
Mga obra naman ni Kidlat Tahimik na pasok sa festival ay ang: Mababangong Bangungot (Perfumed Nightmares) – 1977; Turumba – 1981; Bakit Dilaw ang Gitna ng Bahaghari? (Why is Yellow the middle of the Rainbow? - 1994 (Documentary); Lakbayan - 2018, with Brillante Mendoza and Lav Diaz
Sa QCinema/Contemporary Films: Matangtubig - Jet Leyco, 2015; Apocalypse Child - Mario Cornejo, 2015; Manananggal sa Unit 23B - Prime Cruz, 2016; Women of the Weeping River - Sheron Dayoc, 2016; Pag-ukit sa Paniniwala - Hiyas Bagabaldo, 2018 (Documentary)
Short Films from Philippine Archipelago: To Siomai Love - Remton Zuasola, 2009; Boca - Zurich Chan, 2010; Sanayan lang ang Pagpatay - Gil Joseph A. Sanchez, 2011; Ang Pagpukaw sa akong Damgo - Arbi Barbarona, 2014; Happy Fiesta - Joe Bacus, 2014; Aliens Ata (Maybe Aliens) - Glenn Barit, 2017; Bawod (Bent) - TM Malones, 2017; Tembong - Shaira Advincula, 2018.
Sa Special Program/Section: Mula sa Kung Ano ang Noon - Lav Diaz, 2014; Alipato: The Very Brief Life of an Ember - Khavn Dela Cruz, 2016; Eerie - Mikhail Red, 2018; Yellow Rose - Diane Paragas, 2019.
Samantala, ang National Artist for Film at Father of Philippine independent cinema na si Kidlat Tahimik ay bibigyan ng international tribute sa GIFF para sa kanyang kontribusyon sa industriya ng pelikula.
Ang iba pang pararangalan ay ang direktor ng Good Will Hunting na si Gus Van Sant at si Terry Gilliam na nagdirek ng The Man Who Killed Don Quixote.
Bukod dito, ang Cannes winner na si Brillante Mendoza ang President of the Jury, at magbibigay din siya ng keynote address sa GIFF.
Taong 1998 nagsimulang magsagawa ang GIFF ng diverse selection ng screenings, conferences, at iba pang activities at pagtitipon ng international film industry professionals para sa networking opportunities.
-REGGEE BONOAN