MATAPOS na makapagrehistro ng mahigit sa 350 entries sa unang apat na magkakahiwalay na 2-stag eliminations, ang mga organizers ng makasaysayan BNTV Cup early-bird 9-Stag Derby ay minabuti na hindi na tumanggap ng mga piggy-back entries, upang maiwasan na din ang mga kaguluhan at posibleng di pagkakaunawaan.

“Dati naming inanunsiyo na tatanggap kami ng piggyback entries, sa pag-asang makakatulong ito dsa pagdami ng entries, subalit, ang unang apat na eliminasyon ay naghatid ng sobra sa sapat na bilang ng mga kalahok at naglagay sa amin sa tamang daan upang maabot ang aming target na 2,000 entries”, pahayag ni BNTV Cup co-founder Joey Sy. “Base din sa aming karanasan, ang pagkakaroon ng mga piggyback entries ay nakapagdulot ng karagdagan problema sa pamamahala at pagrerekord,” aniya.

Itinataguyod ng Thunderbird – ang hindi maikakailang pinakanangunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong sa buong mundo, ang BNTV Cup ay itinatag ng World Slasher Cup champion na si Joey Sy – isa sa mga hinahangaang national endorsers ng Thunderbird.

Nasa ikatlong taon na, ang 2019 BNTV Cup ay isa nang 9-stag early-bird national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Magpapatuloy ang eliminasyon sa Hulyo 19 - New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 - San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 - San Juan Coliseum; Hulyo 25 - Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 - Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 - Imus Sports Arena, Cavite at Hulyo 31 - Edward’s Coliseum, N. Ecija.

Sa bawat araw ng eliminasyon, may “day money” na hahatiin sa lahat ng makaka-2 panalo. Base sa bilang ng kasali sa bawat eliminasyon, P1,000 ang ilalaan, kaya kung may 180 kalahok tulad ng nangyari noong nakaraang Hulyo 1 & 2 sa Araneta Coliseum, umabot ng P180,000 ang “day money prize” na hinati sa 44 na 2-pointers na tumanggap ng tig-P4,000.

Samantala, sa Hulyo 23 – 27, limang araw na magkakasunod na eliminasyon ang gaganapin sa Manila Cockers’ Club sa Carmona, Cavite kung saan ang “day money prize” ay P200,000 bawat araw.

Magpatuloy ang eliminasyon sa buong buwan ng Agosto na susundan ng semis.

Ang 4-stag grand finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa ika-9 ng Setyembre.