Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:30 pm San Miguel vs. Meralco

7:00 pm Magnolia vs. TNT

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Masiguro at mapanatili ang pagiging no.1 papasok ng quarterfinals ang tatangkain ng TNT habang patuloy na buhayin ang tsansa para sa huling playoffs berth ang hangad naman ng Meralco sa pagsabak nila sa huling araw ng 2019 PBA Commissioners Cup elimination round sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nangunguna hawak ang barahang 9-1, panalo-talo, tatangkain ng Katropa na maiposte ang ikawalong sunod na panalo upang tumapos na numero uno.

Kung mabibigo sila sa laban nila ngayong 7:00 ng gabi kontra Magnolia, tatabla sila sa Northport (9-2) at bababa sa no.2 spot dahil tinalo sila ng Batang Pier sa nakaraan nilang laban noong Mayo 29 sa iskor na 86-110.

Gayunman, manalo o matalo, nakakatiyak pa rin ang TNT ng twice-to-beat sa playoffs.

Para naman sa katunggali nilang Magnolia, siaikapin nitong makamit ang panalo upang makaiwas na malaglag sa ikapitong puwesto.

Hawak ang patas na markang 5-5, panalo-talo, hindi gugustuhin ng Hotshots na matalo dahil tatabla sila sa Rain or Shine na kasalukuyang nasa pampitong puwesto makaraang tumapos na may 5-6 na baraha.

At kapag nagkataon, ang Hotshots ang bababa sa 7th spot dahil tinalo sila ng Elasto Painters sa eliminations 86-82 noong Hulyo 10.

Gaya ng Magnolia, titiyakin din ng Beermen na kasalo nila ngayon sa 5-5 na kartada ang panalo para makaiwas sa komplikasyon sa susunod na round.

Tatangkain naman ng katunggali nilang Bolts na tumapos na panalo para tumabla sa Alaska at Phoenix sa ikawalong puwesto hawak ang markang 4-7, panalo-talo at sa posibilidad na makahirit ng playoff para sa huling quarterfinals slot.

-Marivic Awitan