NAGHAHANGAD na lumusot sa darating na 2019 PBA Commissioner’s Cup playoffs, muling magpapalit ang Blackwater ng kanilang import.

BAKBAKAN sa kabuuan ng laro ang duwelo ng Blackwater Elite at Alaska Aces sa PBA Commissioners Cup. (RIO DELUVIO)

BAKBAKAN sa kabuuan ng laro ang duwelo ng Blackwater Elite at Alaska Aces sa PBA Commissioners Cup. (RIO DELUVIO)

Dahil injured ang kasalukuyang import na si Staphon Blair, ibabalik ng Elite ang dati na nilang renforncement na si Greg Smith.

Sa kabila ng magandang performance ni Blair na isa sa naging dahilan kung kaya nakopo nila ang no.3 slot sa team standings papasok ng quarterfinals, napilitan ang Blackwater na kunin ang serbisyo ni Smith dahil ayaw nilang ipakipagsapalaran ang una na may iniindang injury sa tuhod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si Smith ang kinuha ng Elite upang hindi na kinakailangan pa ng adjustment dahil pamilyar na ito sa kanilang laro.

Naging import ng Blackwater si Smith noong 2017 kung saan nagposte ito ng average na 27.7 puntos, 21.2 rebounds, 5.1 assists, 1.2 steals at 1.0 blocks kada laro.

Isa rin si Smith sa mga kinunsidera noon ni dating national coach Chot Reyes para maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Manggagaling ang 6-foot-10 na si Smith sa Puerto Rico kung saan naglaro sya para sa koponan ng Vaqueros de Bayamon.

Hinihintay ang pagdating ni Smith sa bansa kahapon upang makapaghanda kasama ng Elite para sa quarterfinals na magsisimula na sa Sabado.

-Marivic Awitan