Dalawang high end apparel store at isang international perfume shop na nasa loob ng luxury resort sa Paranaque City ang ikinandado nitong Linggo matapos bigong magbayad ng annual business fee at permit.

Kabilang sa mga isinarang establisyamento ang Tommy Hilfiger, isang American premium clothing company; at Joe Fresh, isang fashion brand at retail chain store na may produktong footwear, at beauty and cosmetics.

Ipinasara rin ang Jo Malone London, isang British perfume at scented candle brand, na nasa ground floor ng hotel.

Ayon kay Atty. Melanie Soriano-Malaya, Chief of the City Business Permits and Licensing Office (BPLO), isinara ang tatlong tindahan dahil sa pagkabigong maayos ang kanilang annual business permit obligation sa kabila ng mga ipinadalang demand letter.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Nilinaw ni Soriano-Malaya na hindi lumabag sa anumang ordinansa ng lungsod ang mga establisyamento, ngunit nabigo ang mga ito na mag-renew ng kanilang mga business permit costs, mayor’s permit fee at iba pang buwis sa nakalipas na dalawang taon.

Una rito, 33 Chinese-run restaurant at negosypo ang ipinasara ng lungsod ng Parañaque dahil sa kawalan ng business permit at paglabag sa mga city ordinance.

-DHEL NAZARIO