LUTANG ang tikas ng homegrown player na si John ‘Puroy’ Cantimbuhan, sa manipis na kabiguan ng Imus Bandera-Khaleb Shawarma/GLC’s (1-3) laban sa Bicol Volcanoes (3-2) kamakailan sa MPBL Lakan Cup.

Naghabol ang Imus Bandera mula sa 16 puntos na abante ng karibal, ngunit, kinapos din tungo sa 78-81 kabiguan nitong Lunes sa Cuneta Astrodome.

Pinangunahan ni Cantimbuhan ang ratsada ng Imus laban sa Volcanoes.

Sa pagkawala ng pambatong si Gerald Anderson, pinaalab ng 22-anyos ang opensa ng Imus sa krusyal na sandal upang hilahin ang one-sided game sa dikitang labanan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kumubra si Cantimbuhan ng 12 puntos, tampok ang perfect shooting (4/4 FGs, 4/4 FTs), tatlong rebounds, 2 assists, at isang steal.Naisalpak niya ang pressured-packed free throws para maitabla ang iskor sa 72-all tungo sa overtime.

“Lagi lang akong ready kahit off the bench ako. Hindi ko inaasahang gagamitin ako pero gusto ko rin makatulong sa team. Kahit ako yung bata dito, dapat magawa ko rin yung system na ginagawa ng Imus,” pahayag ni Cantimbuhan.

“Lagi ko lang nire-ready yung sarili ko and confidence lang. Hindi ko nilalagyan ng pressure ang sarili ko sa kunwari, sino ang mga kapalitan ko, kapuwestuhan ko; nagre-ready lang talaga ako.”

Mismong ang kasangga niyang si dating Ginebra star Jayjay Helterbrand ay hindi napigilan na papurihan ang kabayanihan ni Cantimbuhan.

“He played really good. He had a good game. He led the team for us, made a lot of good decisions, good plays, siya yung malaking reason kaya we got back into the game, actually,” sambit ni Helterbrand.

“It is a great opportunity for him. He got a chance today and he showed up. He just has to be consistent in bringing that energy every single game. If he does that, he has a very bright future,” aniya.