INIHATID na ng Antique Provincial Engineering Office (PEO) ang 119 fiberglass na bangka sa mahihirap na mangingisda ng munisipalidad ng Pandan, Antique upang makatulong sa kanilang kabuhayan.

Sa pagbabahagi ni Alletth Gayatin, Senior Aquaculturist ng Office of Provincial Agriculture (OPA), nagsimula ang paghahatid ng mga bangka sa mga mangingisda noong Hunyo 17, at natapos nitong Hunyo 21.

“It took almost a week for the PEO to complete their delivery of the fiberglass boats to the fishermen in Pandan,” pahayag ni Gayatin sa isang panayam nitong Lunes, at sinabing hanggang limang bangka lamang ang kanyang dalhin ng kanilang dump truck dahilan upang ilang araw din ang kanilang ginugol sa paghahatid.

Ang mga makina ng ipinamahaging bangka ay mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng FB Pagbabago program. Bawat fibreglass boat ay nagkakahalaga ng P50,000 hanggang PHP55,000 habang nakatakda na rin dalhin sa ibang mga bayan ang kani-kanilang fibreglass boats.

“Today (June 24), two fishermen beneficiaries from Anini-y town are scheduled to get their boats,” aniya.

Ang bayan ng Anini-y, na nasa dulong katimugang baybayin ng Antique, ay makatatangap ng nasa 54 na bangka.

Noong Marso 28 pa idinaos ang seremonyal na turnover ng BFAR ng mga fiberglass boat.

Gayunman, sertipiko ng pagsasalin o turnover lamang ang nakuha ng mga benepisyaryo dahil wala pa noong makina.

“Since the engines are already available, then the boats are now being delivered to 900 marginalized fisherfolks,” pagbabahagi ni Gayatin.

Pinayuhan naman ni Gayatin ang mga benepisyaryong mangingisda na makipag-ugnayan sa opisina o sa BFAR provincial office upang maitakda ang petsa ng paghahatiod ng bangka para sa mga natitirang mga bangkang pangisda.

“The fisherfolks may also get the boats if they have their own transportation,” aniya.

-PNA