Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 pm Phoenix vs. Northport

7:00 pm San Miguel vs. Magnolia

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

IKALIMANG dikit na panalo na mag-aakyat sa kanila sa solong pamumuno ang tatangkain ng koponan ng Northport sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Batang Pier ganap na 4:30 ng hapon ang Phoenix para sa tangkang pagkalas sa kasalukuyang pagkakatabla nila ng TNT sa pangingibabaw taglay ang parehas na markang 7-1(panalo-talo).

Huling tinalo ng Batang Pier para sa ika-4 na sunod nilang tagumpay ang Blackwater,127-99 noong nakaraang Sabado sa Cuneta Astrodome.

Sa nasabing laro, katulong na nila ang tatlong nadagdag nilang players na sina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer na nakuha nila sa trade mula sa Ginebra kapalit ng dati nilang ace guard na si Stanley Pringle.

Gaya ng inaasahan ni coach Pido Jarencio, gumanda ang kanilang rotation at hindi naman sya binigo ng mga dating player nya sa UST na sina Cruz at Ferrer na kabilang din sa sasandigan nya upang pamunuan ang target nilang pagtapos na nasa top 2 para sa asam na insentibo papasok ng susunod na round.

Sa kabilang dako, magkukumahog naman ang Fuel Masters na makabalik ng win column kasunod ng nalasap na 96-99 na kabiguan sa kamay ng Magnolia noon ding Sabado.

Samantala sa tampok na laro, ikalawang dikit na panalo ang target ng San Miguel Beer (2-3) sa pagharap nila sa Magnolia (3-2) ganap na 7:00 ng gabi.

Inaasahang matinding salpukan ang mamamagitan sa nakaraang Philippine Cup finals protagonists lalo't target naman ng Hotshots na palawigin ang naitalang 3 game winning streak.

-Marivic Awitan