NATUTUWA ang manager na si Becky Aguila sa alaga niyang si Andrea Brillantes. Nagpapagawa pala ngayon ng bahay sa isang subdivision sa Quezon City ang batang aktres, at aabutin na ng mahigit P18 milyon ang halaga ng pagpapagawa. Kaya naman sobrang focus ang dalagita sa kanyang career.

andrea

“Naka-focus sa career niya si bagets. She knows her priority,” sabi ni ‘Ta Becks sa amin.

Nag-aaral sa regular school si Andrea, kaya may cut-off time siya sa teleseryeng Kadenang Ginto para may oras siyang matulog bago pumasok sa eskuwela.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maganda si Andrea, kaya hindi kataka-takang may mga nanliligaw na sa kanya.

“Naku, matalino naman si Blythe (tunay na pangalan ni Andrea), may pinaglalaanan siya,” sabi ni Tita Becky tungkol sa pagpapaligaw ng teen actress.

Madalas na kasama ni Andrea ang mommy niya, pero hindi naman daw nito hinihigpitan ang anak.

Oo nga, baka kasi magrebelde. Tama na ‘yung pinaaalalahanan ng mga magulang ang kanilang mga anak, lalo na kung maraming bayarin, tulad ng ginawa ng kilalang manager sa alaga niyang super sikat ngayon. Hindi naman talaga maiiwasang ma-in love si Andrea sa kanyang ka-love team, pero nangako ang dalagita na prioridad nito ang career, na siya naman talagang dapat.

Going back to Andrea, sobrang overwhelmed ngayon ang teen star dahil sobrang taas ng rating ng Kadenang Ginto. Bukod dito, sobrang sikat ng grupo nilang Gold Squad, na kinabibilangan din nina Kyle Echarri, Francine Diaz, at Seth Fedelin.

Hindi maikakailang ang Gold Squad ang hinihiyawan sa tuwing may mall tour ang Kapamilya serye.

Samantala, may nagsabing crush ni Kyle si Andrea, pero si Seth ang ka-love team ng dalagita, kaya laging natutuksong nagseselos ang una sa produkto ng Pinoy Big Brother Otso.

Eh, paano na si Francine?

-REGGEE BONOAN