PROUD at excited si Morissette Amon para sa Asian-wide reality singing competition na Asian Dream, kung saan magiging co-host at co-mentor siya ng international singer-composer na si Michael Bolton.

Morissette at Michael copy

“Sobrang nakaka-proud po, at very honored po ako, kaya excited po ako sa bawat opportunity na ibinibigay sa akin,” sinabi ni Morisette sa phone interview sa kanya ng Magandang Buhay nitong Huwebes.

“Kahit saan po, lagi nating i-wave ang flag ng Philippines,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasalukuyan nang nagsu-shoot sa Singapore ang Asia’s Phoenix para sa unang season ng naturang singing competition.

Sa anim na contestants mula sa iba’t ibang lugar sa Asya, mamimili lang ng isa sina Michael at Morissette. Ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama sa Asian Dream tour, na pangungunahan mismo ni Michael Bolton.

“Mayroon po kaming shinu-shoot ngayon dito sa Singapore. Tinatawag po naming Asian Dream. K a s a m a ko po si Michael Bolton na maghanap ng susunod na Asian Star. Ako po ‘yung co-host and co-mentor,” pagpapatuloy ni Morissette.

Ipalalabas ang Asian Dream sa fourth quarter ng taon.

-Ador V. Saluta