BUKAS palad kay NorthPort coach Pido Jarencio na ibigay ang injured star guard na si Stanley Pringle sa Barangay Ginebra San Miguel kung magiging kapalit naman ay ang pagbabalik ng mga dating player niya sa University of Santo Tomas.

Higit ang pangangailan ng Northport bunsod nang tinamong injuries nina Nico Elorde at Jonathan Grey, an gang pagbabalik ni Sol Mercado ay tapik sa balikat sa kanilang kampanya.

Tangan ng Batang Pier ang 5-1 karta sa kasalukuyang Commissioner’s Cup.

Bukod kay Mercado, target ni Jarencio na makuha sina dating UST stars – Jervy Cruz at Kevin Ferrer.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“While we lost an exciting player in Stanley, we will have the experience of Jervy and Solo and the versatility of Kevin,” pahayag ni Jarencio. “In a sense, we will get bigger.”

Nasa lamesa pa ng Commissioner’s office ang naturang trade.

Sa kasalukuyan, nasa recovery period pa si Pringle mula sa bone spur surgery sa kanang paa.

“We thank Stan for five great years. He’s been our sparkplug and we gained prominence because of his gutsy plays and the character he displayed on the court. In some of our games, he even played with pain,” pahayag ng Northport management sa isang press statement.

Ang 6-foot-4 na si Cruz ang star ng UST nang huling maging kampeon ang Tigers noong 2006.

“I want to have my former UST players, alam nila ang sistema ko,” sambit ni Jarencio.