Patay ang babaeng backrider nang mahati ang katawan habang sugatan ang driver ng motorsiklo nang masagasaan ng truck sa boundary ng Quiapo at Sta. Cruz, Maynila, Miyerkules ng madaling araw.

Dead on the spot si Ederlyn Buclares, nasa hustong gulang, habang malubhang nasugatan si Julius Tevar, nasa hustong gulang,  kapwa residente ng 2000A Katamanan Street, Tondo, Maynila.

Arestado naman si Reynan Fajardo, truck driver, ng Nueva Ecija.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station (PS-3), ng Manila Police District (MPD), naganap ang aksidente sa Quezon Boulevard, sa Quiapo, dakong 5:41 ng madaling araw.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Magkaangkas ang mga biktima sa orange na Honda Click 125 motorcycle, at pagsapit sa lugar ay nasagi ng Sedan, na hindi naplakahan, dakong 5:41 ng madaling araw.

Dahil dito, sumemplang ang mga biktima at bumagsak sa direksiyong daraanan ng 14 -wheeler truck (WLQ 197), na minamaneho ni Fajardo, at nasagasaan ang mga biktima.

Dead on the spot si Buclares habang isinugod si Tevar sa ospital.

Tinutugis ang driver ng kotse na nakasagi sa mga biktima.

-Mary Ann Santiago