Inalerto ng pulis at militar ang lahat ng kanilang unit sa Tawi-Tawi at Suli upang masagip ang 10 Filipino-Malaysian fishermen, na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) gunmen sa Tambisan, Lahad Datu sa Sabah Malaysia, nitong Martes.

Ayon sa militar, ang dalawang bangkang pangisda ay nasa Tambisan at patungo sa Semporna sa Sabah Malaysia nang dukutin ng mga ASG, na sakay sa dalawang speedboats nitong Martes, dakong 2:00 ng madaling araw.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Sitangkai sa Tawi-Tawi, na 15 minuto lang ang layo mula sa Tambisan, saad sa ulat.

Kabilang sa mga dinukot sina Ogan, 20; Bongosan, 30; Ekong, 17; Samsul, 22; Hj. Kand, 60; Amil, 31; Apak, 50;  Inai, 22;  Kassim, 22; at Memek, 28.

Probinsya

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate

-Nonoy E. Lacson at Fer Taboy