TINIYAK kapwa ng Adamson University at ng Thunder All-Stars na walang magiging kumplikasyon sa pag-usad nila sa 2019 Philippine Baseball League Open crossover semifinals.

Tinapos ng Falcons bilang top seed sa Group A ang elimination round matapos ang 4-0, paggapi sa Itakura Parts Philippines Corporation Nationals.

Dahil sa panalo, tumaas sila sa 4-1 marka.

“Nakikita ko kasi ‘tong IPPC, parehas na team lang yan ng KBA eh. Parehas silang hindi nakakapag-train ng buo,” wika ni Adamson coach Orlando Binarao dahil tinalo rin nila sa nakaraang laro ang KBA, 2-0.”So, sinabi ko sa mga players ko, lamang tayo dyan kasi tayo team tayo nagpa-practice.”

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Bunga ng kabiguan, bumaba sa patas na barahang 2-2 ang Nationals at kailangan nilang talunin ang NU Bulldogs sa susunod nilang laban upang patuloy na buhayin ang tsansang umabot ng susunod na round.

Tinalo naman ng Thunder ang De La Salle University, 13-4 upang makamit ang top spot papasok ng semis sa Group B.

Ang panalo ang ika-4 na sunod para sa Thunders na ganap na ring isinulong ang sumusunod sa kanilang Philippine Air Force Lawin (4-1) sa semifinals.

Bumagsak naman ang Green Batters sa patas na barahang 2-2.

Walong batters ang na struckout ni national team pitcher Vladi Eguia sa loob ng anim na innings para sa Thunders na pinaulanan naman ang La Salle ng 14 na hits sa pamumuno ni playing coach Aids Bernardo na nagtala ng 3-of-4 at-bat.

Nauna rito, nakamit ng University of Santo Tomas Golden Sox ang ikalawa nilang panalo matapos gapiin ang alumni team ng Rizal Technological University, 12-3.

Natapos ang kampanya ng RTU-Alums sa rekord na 1-4, panalo-talo habang tumabla naman asng UST sa DLSU.

-Marivic Awitan