HINDI na ma-contain ang excitement ng fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa promotion ng Star Cinema sa pelikula nilang Hello, Love, Goodbye, na pinagtambalan ng Kapamilya at Kapuso stars.

Kathryn at Alden

Noong Friday, ipinalabas ang teaser ng pelikula sa FPJ’s Ang Probinsyano sabay ng pagpapalabas sa lahat ng ABS-CBN channels at sa lahat ng Star Cinema digital accounts.

Bukas, Saturday, naman ang reveal ng poster at playdate ng Hello, Love, Goodbye na gagawin sa ABS-CBN Studio XP, 4:00 pm., sa TriNoma. Kahit siguro hindi dumating sina Kathryn at Alden sa poster at playdate reveal, susugod pa rin ang fans ng mga bida.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ipinalalabas na rin sa mga sinehang pinaglalabasan ng Star Cinema movie na Clarita ang first at short teaser ng Hello, Love, Goodbye, at sa sobrang excitement ng fans na mapanood ang teaser, pinanood nila ang Clarita kahit ayaw nilang manood ng horror movie.

Nagandahan sa teaser ang mga nakapanood na, pero bitin sila, kaya siguradong tumutok sila sa Ang Probinsyano.

Naghahanda na rin ang fans nina Kathryn at Alden sa regular showing ng Hello, Love, Goodbye sa July 31, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina

-NITZ MIRALLES