MALAPIT nang mapanood ang StarStruck sa GMA, at excited na ang mga hosts at council members ng original reality-based artista search na hanapin ang next big stars mula sa mapipiling hopefuls this season.

Cherie copy

Very proud ang original host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa naging achievements ng StarStruck alumni.

“Nakita ko ‘yung growth, ‘yung evolution, hindi lang nung show, lalung-lalo na ‘yung mga nanalo,” sabi ni Dingdong.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Maging ang unang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado ay looking forward na makilala ang mga contestants na magpapakitang-gilas sa StarStruck stage.

Samantala, tatlong prime stars sa industriya, na kinabibilangan nina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo ang magiging council members ng StarStruck.

Kabado si Heart dahil first time niyang magiging judge sa programa.

“I’m also very nervous, kasi hindi ko alam kung paano tanggihan ang isang tao, but I’ll try to be as honest as possible,” ani Heart.

Kaabang-abang naman ang mga bibitiwang advice ng beteranang primera kontrabida na si Cherie.

“I would try my best to be as positive as possible because if you’re negative, it’s discouraging, especially if they’re young,” sabi ni Cherie.

Bukod sa paghahatid ng saya, hahanapin naman ni Jose ang mga nangangarap na maging komedyanteng tulad niya.

“Hindi naman lahat ng sasali dito gusto lang umarte as a drama actor or actress. Mayroon ding papasok dito na komedyante,” excited na sabi ni Jose.

Tutukan ang matitinding pagsubok na pagdadaanan ng mga hopefuls sa latest season ng StarStruck Season 7, soon on GMA-7!

-MERCY LEJARDE