Team Standings W L

PLDT 4 0

Cignal 3 0 Army 3 1

Rebisco-RP 3 1

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Animo 2 1

Air Force 2 1 Sta. Elena 2 2

Navy 2 2 IEM 0 3

Coast Guard 0 4

Easytrip 0 4

Mga laro ngayon

(Paco Arena)

1pm - Cignal vs. IEM

3pm - Easytrip vs. Animo

5pm - VNS VC vs. Air Force

Ginapi ng Cignal ang Philippine Air Force sa loob ng straight sets, 25-18, 25-20, 25-14 kahapon upang umangat sa ikalawang posisyon ng 2019 Spikers’ Turf Reinforced Conference sa Paco Arena noong Linggo ng hapon.

Ang panalo ang ikatlong sunod para sa HD Spikers na pinangunahan ni national team pool member Marck Espejo na umiskor ng 15 puntos kasunod si team skipper Ysay Marasigan na may 9 na puntos

“Siguro, suwerte kami dahil kulang sila ng player, wala si [Bryan] Bagunas saka [Madz] Gampong,” wika ni Cignal head coach Dexter Clamor. “Pero sabi ko nga sa kanila, kahit kulang, dapat mag trabaho talaga and good thing, kahit sinong ipasok sa kanila, talagang nagpe-perform.”

Hindi nakalaro sa Jet Spikers si Bagunas dahil naglalaro ito sa Japanese club team na Oita Miyoshi Weisse Adler , ang team kung saan dating naglaro si Espejo.

Nanguna si Ranran Abdilla sa itinala nitong 12 puntos para sa Air Force na nalaglag sa markang 2-1,marka.

Nauna rito, nakamit ng Philippine Army Troopers ang kanilang ikatlong panalo matapos ungusan sa loob ng limang sets ang Easytrip-Raimol, 25-23, 17-25, 22-25, 25-16, 15-10.

Muling namuno si dating NCAA juniors MVP PJ Rojas para sa Army sa itinala nitong 21 puntos na galing sa 18 attacks, 2 aces at isang block.

Nagtapos namang topscorer sa winless pa ring Easytrip si Red Christensen na may 16 puntos.

Sa huling laro, dinomina naman ng Animo Green Spikers ang Sta. Elena Ball Hammers, 25-23, 25-18, 25-22.

Dahil sa panalo, umangat ang Animo sa 2-1 na kartada habang bumaba naman ang Sta. Elena sa patas na markang 2-2.

-Marivic Awitan