TRENDING sa Facebook pages ng supporters ni Sylvia Sanchez ang video na kumakanta’t umiindak-indak siya sa awitin ng VST & Co na Awitin Mo Isasayaw Ko habang namimigay ng give aways ng Beautederm products.

Sylvia copy

Tinext namin ang aktres: “Bumabagets ang peg sa mall show?”

Tumawag naman kaagad sa amin si Sylvia. “Ha, ha, ha! Oo nga, kung kailan ako tumanda saka ako nagmo-mall show. Nu’ng bata-bata pa walang kumukuha sa akin.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabanggit namin sa kanya na tatlo na ang kinanta niya, ang The Greatest Love, Sana’y Wala Nang Wakas, at ‘yung ngang Awitin Mo Isasayaw Ko.

“Hindi, meron pa, nagre-recording na nga ako,. Marami nang madadagdag. Hindi ko muna sasabihin kung anong mga kanta ‘yun. Surprise!” sabi ng aktres.

May bago nang raket si Sylvia, ang pagkanta.

“Bakit hindi? May bayad, ‘no, sayang ‘yun. ‘Yung mga milyonaryo at bilyonaryo nga, more and more sa pagkita ng pera, ako pa, hindi naman ako mayaman,” katwiran pa sa amin.

Isa pang trending din sa Twitter ay ang pag-follow nina Sylvia at Maine Mendoza sa Instagram, na marami ang nagkagusto. Ang mga kontra naman, obviously ay mga basher ng pamilya Atayde.

Ayaw nang magbigay ng komento ni Sylvia sa issue, dahil wala nga naman din siyang masasabi pa, lalo’t nagkakilala na sila nang personal ng dalaga na espesyal ngayon sa anak niyang si Arjo Atayde.

Oo nga, bakit nga ba ginagawan pa ng isyu ang pag-follow nina Sylvia at Maine sa isa’t isa? Walang dapat ipaliwanag na, that explains everything na. Hayaan na natin sila.

Basta ang alam namin, masaya ang both families, the Ataydes at ang mga Mendoza.

-Reggee Bonoan