AFTER almost four years in showbiz, ngayon lang pumayag mag-post for a lifestyle magazine si Maine Mendoza.

Maine copy

Personal na nag-post si Maine sa kanyang Instagram Story para magpasalamat: “Thank you!!! @cosmopolitan_philippines.”

Matatandaan na very shy pa noon ni Maine nang makuha siyang host sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, back in July, 2015. Hanggang ngayon naman, kapag tinanong si Maine kung paano siya napasok sa showbiz, lagi pa rin niyang isinasagot: “Wala po naman, nag-audition lang ako, hindi po ako prepared. Kaya nang tanungin ako kung ano ang kaya kong gawin, kung marunong akong kumanta, sagot ko ‘hindi po’. Hindi rin ako marunong sumayaw.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ano raw ang kaya kong gawin, magpapangit po. Kasi noong time na ‘yun uso po ang Dubsmash, at ginagawa ko naman iyon sa video.”

Pero simula noong 2015, sa Eat Bulaga, Maine has gone a long way. Mahigit 20 na ang kanyang endorsements, nakapag-pictorial na rin siya for magazines, photo shoots for commercials, at ngayon nga lang siya pumayag na mag-pose for Cosmopolitan Philippines.

Hindi naman sexy poses ang ginawa ni Maine. Pero last Monday afternoon, waiting na ang mga fans niya, ganoon din ang AlDub Nation, sa paglabas ng issue ng nasabing magazine na nagpi-feature sa Phenomenal Star.

Ang tanong, kapag nagkaroon ba ng Cosmo Bash, na ginagawa ng magazine every year, kasama na ba si Maine sa mga celebrities na magmo-model sa show?

-NORA V. CALDERON