NAKOPO ng Chadao-FEU ang huling playoff berth para sa Foundation Group matapos pataubin ang Centro Escolar University, 74-69, kahapon sa 2019 PBA D League sa JCSGO Gym sa Cubao.

“Our goal is to make it to the playoffs and nakuha na namin ang first goal namin,” ani FEU coach Olsen Racela.

Sumandig ang Tamaraws kay L-Jay Gonzales na nagposte ng 15 puntos, 5 rebounds, 5 assists, at 3 steals upang matapos ang eliminations sa pamamagitan ng 4-game winning streak.

Sinundan siya nina Wendell Comboy na may 13 puntos, 5 rebounds, 2 assists, at 2 ring steals, at Joseph Nunag na may 12 puntos, 3 rebounds, at 2 assists.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Tumapos ang Chadao- FEU na may markang 6-3 na ganap namang nagpatalsik sa Marinerong Pilipino (5-4).

M a k a k a t u n g g a l i n g Tamaraws ang Aspirants Group top seed Cignal-Ateneo (8-1), na may taglay na twice-to-beat advantage sa crossover quarters na magsisimula sa Lunes.

Namuno naman si Judel Fuentes sa nabigong CEU na bumaba sa kartadang 7-2 sa itinala nitong 24 puntos at 4 na rebounds.

Kahit natalo, nakakatiyak naman ang Scorpions ng twice-to-beat advantage sa quarters kung saan hinihintay pa nila ang kanilang makakatapat.

-Marivic Awitan