Hinikayat ni Communications Secretary Martin Andanar ang publiko na mag-move on na sa nagdaang eleksiyon at simulang maghilom, magtulungan upang maresolba ang mga problema ng bansa.

HEALING_ONLINE

Sa kanyang programa na isinahimpapawid sa Radyo Pilipinas, sinabi ni Andanar na dapat nang tumigil sa pambabatikos sa mga bumoto sa mga manok ng administrasyon.

"Tama na iyong pang-iinsulto natin sa ating kapwa. It’s time to move forward," aniya.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

"It’s time to really heal at ayusin ang mga problema ng bansa natin, ituloy iyong mga pagbabagong nagawa ni Presidente Duterte," dagdag niya.

Binanggit din ni Andanar ang mga bumabatikos kay senatorial candidate Ronald dela Rosa, na umaming wala siyang alam sa trabaho ng isang senador.

Inamin kamakailan ng dating Philippine National Police (PNP) chief na nais niyang dumalo sa mga seminar upang malaman ang mga trabaho ng isang senador, at hiniling sa kanyang mga seniors na turuan siya.

"Ba’t mo iinsultuhin iyong tao eh, PMA graduate ‘yan eh. In the first place, hindi ka papasa sa PMA kung hindi ka matalino," ani Andanar.

"Kung wala kang grit, hindi ka tatagal sa PMA," dagdag niya.

-Argyll Cyrus B. Geducos