ILALARGA na ang pinakahihintay na sabong ng mga sabong tournament sa pagtatanghal ng 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby — kinikilala bilang pinakaprestihiyoso at pinakamahigpit na one-day event sa Philippine cockfighting – sa Mayo 22 sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos ang isinagawang regional meet, sasabak na ang mga kampeon sa ultimate tournament na itinataguyod ng Thunderbird – the winning formula, ang pangunahing gamefowl feeds at vetmed company sa Asya—ang taunang Thunderbird Challenge simula pa noong 2010 nang ganapin ang unang Challenge sa Isla ng Boracay.
“Ang layunin ay mai-promote ang sabong at local na turismo”, pahayag ni AVP-Marketing Francis M. Martinez, sabay ng pagbanggit ng mga nakaraang Thunderbird Challenge derbies sa Boracay (2010), Palawan (2011), Dapitan (2012), Bohol (2013), Ilocos (2014), Davao (2015), Iloilo (2016) at Manila in 2018.
Handa na rin para bitawan ang kanilang mga signature bloodlines ng mga finale sina 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, muti-awarded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate;
Gov. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy, Boy Marzo ng La Union, Baham Mitra ng Palawan, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, Mayor Jesry Palmares ng Iloilo, Ormoc City’s Winnie Codilla , Dennis De Asis ng Bacolod, Pitmasters’ champ Hermin Teves ng Dumaguete;
Capiz’s pride Marcus Del Rosario, Mayor Baba Yap ng Bohol, Alvin Ong ng Cebu, Vic Lacsao ng Negros, magkapatid na Lino Mariano & Tol Mariano ng South Cotabato, Bentoy Sy ng Zamboanga del Norte, Tan Brothers ng Davao, Zamboanga City’s Manny Dalipe, Armand Santos ng Laguna, Toni Lizares ng Bacolod, Randolf Plaza ng Butuan at ang solong defending champion na si Engr. Expedito Taguibao ng Cagayan.
Ang susubok naman sa tibay ng mga Thunderbird national endorsers ay ang mga Regional champions na sina Don Eikel Ladores, Johnro Galicia , Vasquez Miguel , Dennis Sta. Maria, Nephtali Macarig, Melvin Monsirat, Harvey Philip Isaga, Lawrence Lu , Franklin Cabiguen, Edwin Guttierez, Jonathan Diaz, Marvin Gunner, Wiliam Mamba, Sammy Uy Team, Emmanuel Paras, Dianon Raymond at Winston Treyes kasama si Nene Araneta bilang guest participant.
Dahil sa 50 kumpirmadong kalahok, ang 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby ay magpaparada ng 150 kapana-panabik na sultada.
Ang national champion ay mag-uuwi ng Brand new Toyota Hilux Type G, bilang karagdagan sa champion’s cash prize. Ang champion’s handler ay tatanggap ng 1 TMX 125 cc motorcycle, samantalang ang mananari ay makakakuha naman ng 1 set ng tari mula sa Ampy Tari shop.