SINAGOT ni KC Concepcion ang body-shamer na naligaw at nagkomento sa kanyang post sa Instagram.

KC

Nagkomento ng “Taba! Taba! Taba!” ang netizen na si Ynes Aguirre sa litrato na ipinost ni KC.

“Happy ka na sa ginawa mong ‘yan?” say nin KC.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

‘Kaloka dahil ang positive ng post ni KC, ang ganda-ganda niya sa photo at positive ang caption.

Sa nasabing post, pinasalamatan ni KC ang kanyang 2.8 million followers sa IG, tapos nga naman may sisingit at magko-comment nang hindi maganda.

Hindi naman sinagot ng basher ang tanong ni KC kung masaya ito sa ginawang body-shaming.

Pinayuhan si KC to just ignore the bashers na favorite siyang i-body-shame. Akala mo naman, ang gaganda nila. Hindi yata alam ng mga body-shamers na ito na mali ang kanilang ginagawa.

Nabanggit din ni KC na nami-miss niya ang acting, pero nang tanungin kung kailan siya babalik sa acting, sumagot siya: “Awww prioritized building my own business for now but who knows? Anything can happen!”

Lumalabas sa sagot ni KC na hindi offers ang problema kung bakit hindi na siya aktibo sa showbiz, kundi wala siyang time. “Nakaka-miss na nga din po, napapaisip nga ako, eh. Ha, ha paano ko ba maba-balance time ko? Wait, ha, mag-pray muna ako, haha,” sabi ni KC.

-NITZ MIRALLES