KAPWA nakahulagpos sa dikitang laban ang Caloocan at Las Piñas, habang nagawagi ang defending champion na Quezon City via default sa ikalawang araw ng aksiyon sa Metro League Boys Basketball 17-under Division nitong Martes sa San Juan Gym.

Naungusan ng Caloocan Supremos ang host team San Juan, 55-54, mula sa krusyal na free throw ni Angelo Principe may 15 segundo ang nalalabi.

Nakabawi naman ang Las Pinas Home Defenders sa 68-86 kabiguan sa Bacoor sa opening day nang ungusan ang Makati City, 64-63.

Kaagad namang nagpadala ng liham si dating PBA player Gerry Esplana bilang paliwanag sa kabiguan ng Valenzuela na makarating sa venue sa tinakdang oras.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nanguna sa Caloocan si John Sherick Estrada sa naiskor na 15 puntos para makisosyo sa maagang lider na Marikina (1-0) at Quezon City (1-0) sa North Division ng 17-under boys basketball tournament.

Hataw sa San Juan sina Ray Allen Maglupay at Tracy Rich Rodenas na may tig-12 puntos.

Iskor:

(Unang Laro)

QC, 20-0 vs Valenzuela 0

(Ikalawang Laro)

Las Pinas (64) -- Reyes 17, Mendoza 12, Petilla 11, Lipata 8, Valencia 5, Panganiban 4, Garcia 4, Montero 2, Lampano 1, Cayabyab 0,

Makati (63) -- R. Celis 20, Isidro 17, Quijano 11, Ilagan 6, Mateto 4, Atilon 2, Velasco 2, Natividad 1, Parane 0, Raz 0, L. Celis 0

Quarterscores; 12-12, 33-32, 49-49, 64-63

(Ikatlong Laro)

Caloocan (65 )-- Estrada 15, Principe 11, Pancho 11, Santos 6, Gazzingan 5, El-hag 5, Valencia 2, Lorenzo 0, Gines 0, Chua 0

San Juan (54) -- Maglupay 12, Rodenas 12, Castro 11, Calilong 8, Abanico 4, Valeros 2, Abalos 2, Espino 0, Mabazza 0, Mayono 0, Teodoro 0

Quaterscores: 12-13, 22-21, 35-33, 55-54