Mga Laro sa Lunes

(Ynares Sports Arena)

12:00 n.t. -- Wangs Basketball vs SMDC-NU

2:00 n.h. -- CD14 Designs-Trinity vs Perpetual

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

4:00 n.h. -- UST vs Che’Lu Bar and Grill

PINAYUKOD ng ST. Clare College-Virtual Reality ang McDavid, 93-82,upang makabangon sa kinasadlakang back-to-back losses kahapon sa 2019 PBA D-League Thursday sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagsanib puwersa sina Malian big man Mohammed Pare at si Darwin Lunor upang pamunuan ang pag-alagwa ng Saints sa second quarter kung saan mula sa 25-26 na pagkakaiwan ay naagaw nila ang kalamangan at umagwat ng 59-44 sa halftime break.

Nagtala si Pare ng 22 puntos, 8 ang inilatag nya sa second canyo bukod pa sa 10 rebounds at 3 blocks habang tumapos naman si Lunor na may 19 puntos, 13 dito ang itinala nya sa second period, bukod pa sa 11 rebounds.

Sanhi ng panalo, umangat ang Saints sa markang 5-2 at pasok sa top four ng Aspirants Group.

Namuno naman para sa McDavid kina Ryusei Koga na umiskor ng 19 puntos at Harold Arboleda na may 16 puntos, 12 rebounds at 8 assists.

Nanatili ang koponan sa ilalim ng kanilang grupo taglay ang barahang 1-7.

-Marivic Awitan