TARGET ng magkapatid na Pia at Ompong Gabriel – kapwa popular at palabang motocross riders – na madomina hindi lamang ang mga karera sa Luzon, Visayas at Mindanao bagkus maging anginternational racing scene.
Tinaguriang Princess of Philippine motocross, determinado ang 21-anyos na si Pia at nakababatang kapatid na si Ompong na makalahok sa international motocross scene upang mabigyan ng karangalan ang bansa ay suklian ang sakripsiyo at suporta ng mga magulang, sa pagtataguyod ng KYT Philippines, Oakley, Dans Powersports, Alpinestars PH, GoPro, Pirelli, DC Shoes, Red Speed at Motoscoot.
Sumabak ang magkapatid sa Thailand motocross event, kung saan tumangap sila ng pagbati mula sa malaling crowd.
‘‘There are hundreds of motocross events watched by huge crowd all over the country,’’ pahayag ni Pia, pambato ng Wesleyan University.
‘‘It’s not as popular like basketball, boxing or volleyball due to lack of exposure but we’re getting there,” ayon sa mayuming rider sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club, sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club (NPC), Philippine Amusements and Gaming Corp. (PAGCOR), CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.
Marami naman ang nagsasabing matibay na challenger ang 16-anyos na si Ompong laban kay star riders Bornzkie Mangosong ng Team United Athletes Mindanao, higit at nakakuha siya ng ayuda mula sa Dans Powersports, Bell Helmets Gaerne, Troy Lee Designs, Big Prod, Hino Nueva Ecija at Dc Shoes.
Sa kasalukuyan, nangunguna si Pia sa women’s class ng MMF Supercross laban sa mga beterano ring sina Janelle Saulog, Jasmin Jao, Quiana Reyes at ilang riders mula sa Mindanao. Tangan ni Pia ang 97 puntos, kasunod si Jao (83) at Reyes (82).