NAKAKALUNGKOT ang tweet ni Jasmine Curtis-Smith na dalawang shopping malls daw sa Taguig City ang nag-decline ng block screenings para sa horror film niyang Maledicto.

Ang rason, ayon kay Jasmine, hindi nagpapalabas ng local films ang dalawang malls.

Sayang at hindi binanggit ni Jasmine kung anong malls ang mga ito, para sana maiparating sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang isyu at magawan ng paraan. Block screening na nga ang inilapit at hindi regular screening, tinanggihan pa.

Kanya-kanyang hula ang netizens kung anong mall ang hindi binanggit ni Jasmine, para isumbong daw nila sa mga kinauukulan, kaso, hindi sila pinakinggan ng aktres.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

May apela pa si Jasmine sa moviegoers: “Help us stay in cinemas ‘til the weekend pls. It’s a really tough fight but I promise you that it’s worth the watch.”

Sayang at hindi pa umabot ang Maledicto sa napagkasunduan ng FDCP at theater owners na gina-guarantee ang one week exhibit ng local movies at ang assurance ng number ng screenings, kumikita man o hindi ang local films.

Kasama rin ni Jasmine sa Maledicto sina Tom Rodriguez at Miles Ocampo.

-Nitz Miralles