Ang pinakahinihintay na pagbabalik ni Geje “Gravity” Eustaquio sa Championship Circle ay magaganap sa Singapore Indoor Stadium kapag hinarap niya si Kim Kyu Sung sa ONE: ENTER THE DRAGON sa Mayo 17.

Ang pagbabalik na laban ni Eustaquio ay magaganap sa apat na buwan matapos niyang mabitawan ang World Title at napunta sa kanyang matagal ng karibal na si  Adriano ‘Mikinho’ Moraes sa ONE: HERO’S ASCENT noong Enero.

“I can’t wait to bounce back and start over again, rest assured, you'll see the best version of me in Singapore,” sabi ni Eustaquio.

“I wish to get back in the winning column and pave a new path to World Title contention,” sabi ni Eustaquio.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“I’m into a new era now which simply means it’s all or nothing.”

Alam ni Eustaquio na mahihirapan siya laban kay Sung na mukhang magpapasikat sa mixed martial arts world para sa kanyang ONE Championship debut.

May hawak hawak na nakakabilib na record si Sung na 9 wins at 2 losses na may 7 stoppages. Sa kanyang huling laban ay na knockout niya si Masayuki “Nave” Watanabe ng Japan sa 2nd round sa kanilang scheduled three-round flyweight na laban.

"We don’t know much about our upcoming opponent as he'll be making his debut but we know that he's tall and lanky. So we'll have to prepare for that,” sabi ni Eustaquio

“The most important thing is to not leave it to the judges’ hands this time so expect me to go all out.”