Ilalabas na sa Biyernes ang resulta ng 2018 Bar examination.
Ayon sa Public Information Office ng Korte Suprema, magsasagawa ng special en banc session ang mga mahistrado sa Biyernes para sa deliberasyon sa kung ano ang magiging passing rate.
Si Supreme Court Associate Justice Mariano C. Del Castillo, chairperson ng 2018 Supreme Court Committee on Bar Examinations, ang maghahayag sa resulta ng Bar exams sa front yard ng Supreme Court sa Padre Faura Street sa Ermita, Maynila.
Isang LED wall din ang ilalagay sa labas, at doon mababasa ang listahan ng mga bagong abogadon ng bansa.
Umabot sa 8,155 ang kumuha ng Bar exams noong nakaraang taon, ang pinakamarami sa kasaysayan.
Ia-upload din ang listahan ng mga bagong abogado sa website ng Korte Suprema: http://sc.judiciary.gov.ph/.
-Beth Camia