BUMALIKWAS mula sa natamong kabiguan sa first frame ang University of Santo Tomas 1 tandem nina Babylove Barbon at Gen Eslapor upang magapi ang Perlas pair nina Bea Tan at Dij Rodriguez, 17-21, 21-14, 15-12, at angkinin ang women’s crown ng BVR On Tour: Dumaguete Open nitong Sabado sa Rizal Boulevard sand court sa Dumaguete City.

TINANGGAP nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng University of Santo Tomas ang premyp matapos pagbidahan ang BVR On Tour: Dumaguete Open women's championship.

TINANGGAP nina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng University of Santo Tomas ang premyp matapos pagbidahan ang BVR On Tour: Dumaguete Open women's championship.

Matapos magbigay ng tatlong match points, idiniliber ni Barbon ang championship-clinching drop shot upang makumpleto ang 5-0 sweep ng leg na sinaksihan ng dagsang mga volleyball enthusiasts.

Sa naitakdang all-Air Force men’s final, namayani ang pares nina Ranran Abdilla at Jessie Lopez para sa kanilang ikatlong sunod na leg title, 21-13, 21-14, laban kina Mike Abria at Jade Becaldo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang titulo ang una ni Barbon sa BVR on Tour kasunod ng nauna niyang titulo katambal si Sisi Rondina sa nakaraang Manila Open noong Agosto bago sila nagkampeon ni Rondina sa UAAP noong Setyembre.

Ang susunod na BVR on Tour leg ay idaraos sa Capitol Beachfront sa Lingayen, Pangasinan bilang bahagi ng taunang Pistay Dayat.

Tinalo sa semifinals nina Barbon at Eslapor, 21-16, 21-13 ang University of Negros Occidental-Recoletos duo nina Erjane Magdato at Alexa Polidario, habang ginapi naman nina Tan at Rodriguez ang Smash Bacolod twosome nina Bianca Lizares at Jennifer Cosas, 21-14, 21-13.

Iginupo naman nina Abdilla at Lopez ang UST duo nina Rancel Varga at Efraem Dimaculangan, 21-11, 21-17, upang umusad sa Finals habang namayani naman sina Abria at Becaldo ang University of St. La Salle pair nina Herold Parcia at Deanne Neil De Pedro, 21-14, 18-21, 15-7.

Ang dalawang araw na torneo ay nilahukan ng rekord na 25 teams, kabilang ang tatlong pares mula Hong Kong.

-Marivic Awitan