NAKUHA ni Direk Adolf Alix Jr. ang parangal mula sa White Light Post Production award para sa kanyang current film na Circa.

Ang award ay may kaugnayan sa ika-17 Hong Kong Asia Film Financing Forum. Ang film expo ay dinadaluhan ng film producers, financiers, distributors at buyers mula sa 35 bansa.

Ang parangal ay hinggil sa post production grant na makatutulong para matapos ang pelikulang Circa, na pinagbibidahan ng beteranang aktres na si Anita Linda.

Alix will be working with White Light Studio sa Bangkok, Thailand.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang Circa ay tungkol sa kuwento ni Donya Atang, isang beteranong producer na hiniling sa kanyang mga anak na magkaroon ng reunion ang lahat ng kanyang nakatrabaho para sa kanyang c e n t e n n i a l celebration.

-Remy Umerez