MASASABING universal leading lady si Arci Muñoz, dahil kahit kanino siya itambal ay bagay siya, tulad kina Piolo Pascual (Since I Found You), Jake Cuenca (Passion de Amor), JM de Guzman (Last Fool Show), at Pepe Herrera (Jhon En Martian).

arci at pepe

Kasi naman halos lahat ng karakter ay kaya ni Arci, at talagang effortless siya sa pag-arte, lalo na sa comedy.

Sa advance screening ng two episodes ng digital series na John En Martian na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience Trinoma nitong Miyerkules, nakitaan ng chemistry sina Arci at Pepe, lalo na dahil pareho silang mahusay sa pagpapatawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Habang pinapanood namin ang bagong handog ng Dreamscape Digital, Quantum Films at Proj. 8 Corner San Joaquin Projects, na mapapanood na sa iWant ngayong Linggo, Abril 14, ang 5 episodes na idinirek ni Victor Villanueva, napansin naming bagay din na maging Darna ang aktres, lalo na nu’ng nakapula siyang costume na umiikot-ikot at nakakasilaw sa kaputian.

Curious naman ang lahat kung bakit hindi si Direk Antoinette Jadaone ang nagdirek ng Jhon En Martian.

“Nu’ng nabasa ko po ‘yung script ni Joma (Labayen) at ng team niya, alam kong mas magagawa at mas bagay kay Victor (direktor) ang Jhon En Martian,” sabi ni Direk Antoinette.

“Nu’ng pinitch po sa amin nina Joma ‘yung concept, alam kong male humor, irreverent humor, so alam ko lang na mas may ibang makakagawa no’n. Tapos nu’ng nakita nga namin na nagawa ng team ni Victor, tama ang desisyon namin iatang sa kanya ang pagdidirek,” paliwanag pa ni Direk Antoinette.

Millennials ang target audience ng Jhon En Martian, at sinigurado ni Direk Antoinette na magugustuhan ito ng mga nabanggit.

“Kasi po, una ‘yung era ni Booba (Super B, Rufa Mae Quinto), Aga (Muhlach)/Lea (Salonga), Meteor Garden, ‘yung ganu’n nostalgia. Tapos coming from that, at sa ngayon naman ay sina Pepe at Arci na gaganap bilang Jhon and Martian. Era ng millennials talaga, tapos ‘yung humor niya ay irreverent, no holds barred male humor kaya kakaiba siya na palabas,”paliwanag ng isa sa producers.

Parang mahilig yata si Direk Antoinette sa mga kuwentong may alien na involved.

“Nagkataon lang,” sagot niya. Siya rin kasi ang nagdirek ng Love You to the Stars and Back nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Proud naman si Arci sa bagong digital series nila ni Pepe, dahil poster pa lang daw ay marami na ang nagandahan at nagtatanong kung kailan ito mapapanood sa iWant.

Unang beses magkatrabaho sina Pepe at Arci, at puring-puri nila ang isa’t isa.

“Yes po, working together. Hindi naman po mahirap makasundo si Arci kasi cowboy siya, hindi siya maarte,” sabi ni Pepe.

“Ang pagkakakilala ko po kay Arci, malinaw sa kanya kung ano ‘yung willing siyang ibigay which is very healthy. Pero kapag nasa eksena, very generous po siya, kung ano ‘yung kailangang ibigay, ibibigay niya. Kaya organic na lang kung ano ‘yung ibibigay, at saka si Direk Vic kung saan po kami comfortable.”

“Walang problema kay Pepe. Cool ‘to, eh,” kuwento naman ni Arci sa kanyang leading man. “Ginagaya ko nga ‘yung pagkain niya sa set kasi vegetarian siya. May sarili siyang meal na pine-prepare sa set. Sabi ko ‘bigyan n’yo rin ako ng ibinibigay n’yo kay Pepe’, [pero] hindi ko pala kaya i-give up ang sisig. Pero ‘yung preparation, okay. Sarap pala ng bacon. Ha, ha, ha.

“Mahusay si Pepe magpatawa dito, hindi naman niya kailangan talagang um-effort kasi ganyan na talaga siya. Tapos ‘yung preparation po namin, alien na talaga ako, hindi na kailangang magpanggap. Nakakatawa talaga sa set, lahat ng kasama namin,”kuwento pa ni Arci.

Sinabihan namang masuwerte si Pepe dahil nakahalikan niya si Arci sa Jhon En Martian.

“Yes, I feel very lucky and grateful. Thank you for my blessings. Iyon po ang paraan ng Martians na mag-transmit ng information, Iyot (tawag sa kiss),”saad ni Pepe.

Nang i-pitch naman daw kay Arci na may kissing scene ay okay lang sa kanya at hindi siya nagdalawang isip na hindi tanggapin o tanggihan ang nasabing eksena.

“Nagtu-toothbrush po ako three times a day,” seryosong patawa naman ni Pepe. “’Yun pong masarap kaeksena kay Arci kasi mahilig po siyang magbigay, kaya minsan nadadala rin ako, nagugulat ako, ‘san galing ‘yun?’,”sabi pa ng aktor.

Sinabi naman ni Arci na hindi naman siya namimili kung sino ang makakahalikan niya, basta’t kailangang gawin ang eksena.

“Kung kailangan po talagang gawin, pero kung barubal lang o gusto lang ipagawa, siyempre hindi. Balanse naman po ang eksena kung kailangan,” kaswal na sabi ng aktres.

Walang workshop na nangyari kina Pepe at Arci dahil kumporable na sila kaagad sa isa’t isa kaya nag-shoot na kaagad.

Anyway, wala naman kaming ginawa kundi tumawa sa mga pinaggagawa nina Jhon at Martian sa dalawang naunang episodes, at babawi naman sa mga susunod si Rufa Mae, na original na Booba comedian.

Sigurado kaming aabangan namin ang tatlo pang episodes this Sunday, sa iWant.

Bukod kina Rufa Mae (Queen Mother ng Mars), Pepe at Arci, kasama rin sa Jhon En Martian sina Mon Confiado, Jojo Alejar, Aiko Climaco, Jelson Bay, Joel Saracho, Dolly de Leon, TJ Valderama, Emman Nimedez.

-REGGEE BONOAN