HALOS lahat ng showbiz events na napuntahan namin ngayong linggo ay walang tigil na pinag-uusapan kung sino ang susunod na gaganap na Darna sa pelikula, kapalit ni Liza Soberano.

Jennylyn

Marami ang nagsasabing bagay kina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach ang role na Darna. Nang gumawa kami ng survey ay tabla ang mga bumoto sa dalawa.

Kahapon, habang isinusulat namin ang balitang ito ay nagsalita si Direk Erik Matti na ang nakikitaan niyang babagay na maging Darna ay si Nadine, dahil kung ano ang nakita niya noon kay Liza ay mayroon din daw nito ang Viva artist.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Very sultry. She has a lot of female sensuality, and at the same time still looks tough and very Filipina,” ani Direk Erik.

Pero may humirit namang katoto: “Mas bagay kay Pia, kasi matangkad, maliksing kumilos at may funny side, at higit sa lahat Miss Universe siya, kilala siya sa buong mundo kaya mas may impact.”

Oo nga naman.

Pero heto, napuno ang inbox namin sa Twitter at email na umaapela ang napakaraming supporters ni Jennylyn Mercado na sana ay mapagbigyan din ang Kapuso actress sa role, tutal naman ay nakakagawa ng projects ang aktres sa Star Cinema.

Sa katunayan ay pinadalhan pa kami ng mala-audition video ni Jennylyn na nagmu-Muay Thai, tumatakbo, nagsasagawa ng anti-gravity yoga, nagpa-practice ng arnis at iba pa. At ang ending ay may eksena sila ni Ms Vilma Santos-Recto na ibinigay sa kanya ang bato ni Darna. Aliw lang.

“Jennylyn Mercado has what it takes to be #BagongDarna,” ito ang paulit-ulit na sabi sa amin.

Ang liksi ni Jennylyn, bagay na bagay sa kanya ang Darna role. Hmm, oo nga, baka naman puwede siyang i-consider ng bosses ng Star Cinema?

-Reggee Bonoan