WALA yatang jet lag si Megastar Sharon Cuneta, dahil pagbalik niya mula sa Canada at US concert tour niya ay dumiretso siya agad sa shooting ng Kuwaresma para sa Reality Entertainment, sa direksiyon ni Erik Matti.
Katambal ni Sharon sa pelikula si John Arcilla, na nanood pa ng concert ng una sa Toronto, Canada bago naunang magbalik-bansa ang Megastar.
Umakyat agad si Sharon sa location nila sa Baguio City at hindi niya in-expect na mapapasubo siya sa shooting, lalo pa at hindi pa nakaka-adjust ang body niya sa temperature mula sa napakalamig na Canada at US.
Sa post ni Sharon, sinabi niyang feeling niya ay magkakasakit siya, but a real trouper, nag-shoot na agad siya ng mga scenes niya.
“We have been filming the most draining scenes in Kuwaresma since 3PM almost nonstop. No time for a nap. And will continue on until we finish even after the sun comes up, I think.
“The whole ground floor of the house is covered in black backing (a thick cloth) so it’ll still look like night time even if it’s day outside already. I am soooooooooooooo tired. Plus – I am burdened with lots of things on my mind... my emotions are in the I.C.U. as I type this. Whatta life? But whatta movie.”
Dugtong pa ni Sharon: “Thank God ako pack-up na muna! Magang-maga na my eyes sa kakaiyak ng 1,000,000 times sa isang araw! But as tired as I am, makatulog sana agad sa hotel. Goodnight everyone! #kuwaresmamovie.”
May mga lumalabas nang video ng teaser ng Kuwaresma, kaya naman excited na ang mga fans ni Sharon na mapanood ito. Sabi nila, hindi na dapat pang alalahanin ni Sharon ang pelikula, dahil susuportahan nila nito, kaya susulitin nila ang pagod ng aktres sa tuluy-tuloy na shooting ng movie.
-Nora V. Calderon