IPINAMAHAGI ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang nasa P22.9-milyong halaga ng mga proyekto na layong pasiglahin ang kabuhayan ng mga nasa agrikultural na komunidad sa tatlong probinsiya sa Zamboanga peninsula.

Kasabay nito, ipinamahagi rin ng DAR ang nasa 991 certificates of land ownership award (CLOAs) na sumasakop sa 1,422 ektarya ng agrikultural na lupa sa mga probinsiya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay.

Pinangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang pamamahagi ng nasa 43 proyekto at 991 CLOAs, na idinaos samunisipalidad ng Piñan, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Castriciones, ang mga proyekto ay ipinatutupad sa ilalim ng iba’t ibang programa ng DAR. Kabilang ang mga post-harvest facilities, food processing center, reservoirs, mga warehouse, potable water system, at probisyon para sa mga makinaryang pansaka.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“These projects are significant in achieving progress in rural communities. These facilities and farm machines were implemented not only to make life easier for our farmers, but also to sustain the development of their communities,” ani Castriciones.

Ibinigay ang mga proyekto, lalo na ang mga makinarya sa mga kooperatiba na nagbibigay benepisyo sa mahigit 13,000 magsasaka sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Pinayuhan naman ni Castriciones ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang mga kooperatiba, upang mabigyan ang mga ito ng tulong ng pamahalaan.

“If you are not yet a member of a cooperative, I am encouraging you to be one because a lot of government support services are given through cooperatives and farm associations,” ani Castriciones.

Samantala, sinabi rin niya sa mga magsasaka na ang mga natanggap na CLOAs ay nagtatakda ng “freedom from the bondage of tenancy.”

“This is the day for us to be happy, because our farmer-beneficiaries finally received their CLOAs that they have been wanting for a long time,” aniya.

PNA