Sinabi ni Britney Spears na prioridad niya ngayon ang kanyang “me time” kasunod ng mga ulat na pumasok siya sa isang mental health facility upang makayanan ang pagkakasakit ng kanyang ama.

Britney Spears

Britney Spears

Enero ngayong taon nang ihayag ng 37-anyos na pop star na kakanselahin niya ang kanyang mga nakatakdang concerts at iba pang work commitments upang matutukan ang kanyang pamilya makaraang muntikan nang bawian ng buhay ang kanyang amang si Jamie Spears noong Nobyembre matapos dumanas ng ruptured colon.

Nitong Miyerkules, nag-post ang Stronger singer sa Instagram: “We all need to take time for a little ‘me time’.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nag-post din siya ng quote: “Fall in love with taking care of yourself, mind, body, spirit.”

Iniulat ng celebrity website na TMZ na boluntaryong pumasok si Britney sa isang residential mental health facility may isang linggo na ang nakalipas.

Ayon sa isang source na malapit kay Britney, hindi bumubuti ang lagay ni Jamie Spears matapos itong maoperahan sa ikalawang pagkakataon may tatlong linggo na ang nakalipas, at nahihirapan si Britney na makita sa ganung sitwasyon ang kanyang ama.

“They are very close. She just wants to take time to focus on herself,” sinabi ng source sa Reuters.

Si Jamie ang nag-revive sa career ng kanyang anak na dating teen sensation, makaraang mawala sa direksiyon ang buhay ni Britney noong 2007 hanggang 2008. Si Jamie pa rin ang court-approved conservator sa lahat ng pinagkakakitaan ni Britney.

Taong 1999 nang maging pop phenomenon si Britney sa pinasikat niyang Hit Me Baby One More Time at Oops!...I Did It Again. Huling bahagi ng 2008 nang nagkaroon siya ng comeback at nag-release ng album na Circus saka naglunsad ng world tour. Taong 2014 naman nang magsimula siyang magtanghal sa Las Vegas.

Reuters