SIMULA na ngayong April 3 ang Sinag Maynila 2019, at limang movies ang napili para ipalabas sa mga piling sinehan, ang Jino to Mari ni Jay Altarejos; Akin Ang Korona ni Zig Dulay; Persons of Interest ni Ralston Jover, Jesusa ni Ronald Carballo at Pailalim ni Daniel Palacio.

Ang Jino to Mari ay unang ipinalabas sa Black Movie: Festival de Films Independants-Geneve sa Switzerland at sa “Panorama on Filipino Cinema” section ng Cambodia International Film Festival na ginanap noong March 9-14 sa Phnom Penh.

Kilala si Jay sa pagtalakay niya sa LGBT themes amid social issues, at marami sa kanyang mga unang ginawa ay nakatanggap ng recognition sa local at international film fests, isa na rito ang Kasal na nanalo sa 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, Lihim ni Antonio at Tale of the Lost Boys na nanalo ng Sinag Maynila 2018 Best Picture, Best Screenplay, Box-Office at Best Editing awards.

Gaganap sa Jino to Mari sina Oliver Aquino at Angela Cortez. Ito ang most courageous movie to date ni Direk Jay: “it’s provocative, bold and daring. It poses the question, ‘when you take away one’s respect and dignity, what is left of that person?’”

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

Sa April 4 sisimulang ipalabas ang limang pelikula. Ang Jiro to Mari ay binigyan ng R-16 classification ng MTRCB, kaya iyong interesadong mapanood ito, dapat sa first day ay manood na kayo dahil baka mawala agad sa mga sinehan.

Narito ang listahan ng mga sinehan na pagtatanghalan ng Jiro to Mari: April 4 Thursday – SM North EDSA at SM Manila, 4pm; April 5, Friday – SM Megamall at Cinema ’76 Anonas at 1:30pm; April 5, Friday, Gateway and Black Maria at 6:30pm; April 6, Saturday, Gala Screening at Gateway, 9pm, showing din sa Black Maria at 9pm; April 7, Sunday, Black Maria at SM Megamall at 6:30pm; SM Megamall at Cinema ’76 Anonas at 9pm.

April 8 – Monday, Gateway at 1:30pm, Cinema ’76 Anonas at 6:30pm; April 9 – Tuesday, Gateway at Black Maria at 6:30pm.

For more information, log on to www.sinagmaynila.com and www.facebook.com/SinagMaynila.

-Nora V. Calderon