MAKIKIISA sina dating boxing chef at Manila Rep. Manny Lopez at dating MASCO head Ali Atienza sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kapwa prominenteng sports personalities ang dalawa bago pumalaot sa pulitika kung saan pangunahin pa rin nilang adbokasiya ang kalusugan at sports.

Magbibigay din ng kanilang pananaw sa sports forum ganap na 10:00 ng umaga sina dating Catanduanes Vice Governor at sports patron Bong Joson Teves ng TGP Party-list, gayundin si PBA legend Bong Alvarez.

Naimbitahan din sa ‘Usapan’ na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream si Universal Reality Combat Championship ( URCC) founder Alvin Aguilar at ilang top fighters na sasalang sa “URCC Global: Raw Fury” event sa Abril 27 sa Okada Manila.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa kapanahunan ni Lopez matapos ang panunungkulan ng ama na si dating Manila Mayor Mel Lopez, nakamit ng Philippine boxing team ang makasaysayang tagumpay sa international scene matapos magwagi ng

Bronze medal si Leopoldo Serantes noong 1988 Seoul Olympics, gayundin ang magkapatid na Roel (bronze, 1992 Barcelona Olympics) at Onyok Velasco (silver, 1996 Atlanta Olympics).

Dating miyembro ng RP taekwondo team si Atienza at inilunsad ang programang ‘Start’ em right’ sa kanyang pamumuno sa MASCO.