Bagamat pinaghihiwalay ng milyang karagatan ang dalawang bansa, maaari pa rin magbahagi ang mga mamamayan ng isang interes sa gitna ng mga epasyo na idinidikta ng mga hangganan.
Pinatutunayan ito ng pagbubukas kamakailan ng Embassy of Israel at University of Philippines ng isang art exhibit na nagtatampok sa malawak na pagkakatulad ng dalawang bansa.
Malugod na tinanggap ni Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz ang mga bisita at art enthusiasts sa “Common Ground”, isang exhibit na nagpapakita ng ceramic art collaboration ng Pilipinas at Israel.
“As my home country, the heart of the Filipino society is the family,” pahayag ni Harpaz sa isang panayam.
Masaya ang ambassador sa kanyang pitong buwan nang pamamalagi sa bansa, na nakikita niyang isang palakaibigang bansa ang Pilipinas tulad ng Israel.
Inimbitahan sa art event si Roy Maayan, isang Israeli ceramic and interdisciplinary artist. Dito, ibinahagi niya ang proseso ng paggawa sa materyales at “conceptual boundaries” gamit ang ceramic upang makalikha ng mga obra na hindi lamang umuugat sa tradisyon ngunit gayundin sa kontemporaryo.
Bumabad din ang Israeli artist sa mga lansangan ng Quiapo at Baclaran upang masaksihan ang kulturang Pilipino.
Nagkaroon din siya ng isang lecture-demonstration sa molde ng isang sikat na simbolo sa Israel ang Matka, isang racquet para sa kanilang national beach sport Matkot. Kabilang sa kanyang mga paboritong obra sa clay ang mga beer bottles at Catholic figures sa tuktok ng isang Matka.
“Like us, Filipinos have so much fun and are a very warm people,”aniya.
Nagpasalamat naman si UP Master of Fine Arts Rita Gudiño para sa pagkakataon na pangunahan ang isang exhibit.
“There is nothing more binding than doing creative art, it is a model for unity between two nations,”aniya.
Ang Common Ground exhibit ay bahagi ng pagdiriwang ng pagkakaibigan ng dalawang bansa na nagbabahagi sa isa’t isa ng malalim na kasysayan mula kay dating Manuel Quezon na nagbukas ng pinto ng Pilipinas para sa mga Holocaust refugees at ang Israel sa pagpapaabot ng pinakamalaking tulong ng mga dayuhang bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.
Bukas ang exhibit sa UP Diliman College of Fine Arts para sa publiko hanggang Abril 27.
PNA