MAGANDA ang paraan ng magdyowang Sophie Albert at Vin Abrenica para maiwasan nila ang selosan sa kani-kanilang projects. Kapag may project sila na may mga eksenang seksi, hindi na lang nila pinapanood.

Kaya, hindi pinanood ni Vin ang Pamilya Roces, dahil sa rami ng kissing scenes doon ni Sophie, na may bed scene pa with Rocco Nacino.

Hindi uli manonood si Vin ng Bihag, kung saan, bilang si Reign, ay may mga kissing scenes si Sophie kay Jason Abalos. Gagampanan niya ang role ng babaeng obsessed kay Jason, at dahil may fatal attraction at matured ang story, mas sexy siguro ang mga eksena nila ni Jason sa Bihag, na magsisimula nang mapanood this Monday, after Dragon Lady.

“Nagwo-work ang ginagawa namin ni Vin, dahil wala kaming pinagseselosan dahil wala kaming napapanood. Hindi rin kami nagtatanong ng mga ginawa naming eksena at hindi rin kailangang ipaalam kung anong eksena ang ginawa namin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Pero nabanggit ko kay Vin na may bed scene kami ni Jason sa Bihag, hindi ko sinabi kung kailan lalabas,” kuwento ni Sophie.

Walang reklamo si Sophie na nalilinya siya sa sexy roles, dahil hindi lang daw pa-sexy ang ginagawa niya. May acting din siya, and in fairness, sa kanyang acting at sexy scenes sa Pamilya Roces mas napansin si Sophie.

Tiyak na mangyayari rin ito sa Bihag.

“Gusto kong isipin and I’m sure na kaya ako isinama sa Bihag hindi lang dahil pumapayag ako sa kissing scene at bed scene. Nakikita rin siguro ng production na nagagawa ko ang eksena na nasa script at ang role ko.

“I’m happy na natsa-challenge ako sa roles na binibigay sa akin. So, watch out for Reign at siguradong magagalit at maiinis kayo sa kanya,” pagtatapos ni Sophie.

-Nitz Miralles