Naglunsad kamakailan ng panibagong atraksiyon ang isla ng Mambajao sa Camiguin, na kilala para sa maganda nitong dalampasigan at bundok, na layong humikayat ng mga outdoor enthusiast at mga mountain trekker.
Pinangunahan ng probinsiyal na pamahalaan, Department of Tourism-10 (DOT-10), at ng Department of Environment and Natural Resources-Region 10 (DENR-10) ang “Climb Camiguin” campaign, na hangad na maitampok ang magkakarugtong na mga bulkan ng Camiguin—lalo na ang Mt. Hibok-Hibok – bilang panibagong destinasyon para sa mga adventure-seekers.
Sinabi ni Camiguin Gov. Maria Luisa Romualdo na layon ng “Climb Camiguin” na isulong ang probinsiya bilang isang pangunahing destinasyon para sa “mountain tourism” ng bansa.
“The province recognizes the potential of volcano tourism for driving the socioeconomic growth and development of the local community,” pahayag ni Romualdo.
Kamakailan lamang idineklara ang Mt. Hibok-Hibok at ang Mt. Timpoong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Center for Biodiversity bilang ASEAN heritage park.
Opisyal na kilala ngayon bilang Mt. Timpoong-Mt. Hibok-Hibok Natural Monument, kabilang ang dalawang bulkan sa ilang protected areas sa bansa.
Tahanan ang bulubundikin bahagi ng ilang endemic species ng mga halaman sa bahaging ito ng Mindanao.
Ilan sa mga katulad nitong lugar sa Pilipinas ang Mt. Apo Natural Park, Mt. Kitanglad Range Natural Park, Mt. Malindang Range Natural Park, Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary, Mts. Iglit-Baco National Park, Mt. Makiling Forest Reserve, at Tubbataha Reefs Natural Park.
Sinabi naman ni DOT-10 Director Marie Elaine Unchuan na kabilang sa mga
protektadong lugar sa probinsiya ang— Mt. Kitanglad Range Natural Park, Mt. Malindang Range Natural Park, at ang Mt. Timpoong-Mt. Hibok-Hibok Natural Monument – na nagbigay ng inspirasiyon sa ahenisya upang maglunsad din ng mountain tourism sa Northern Mindanao.
Ayon pa kay Unchuan, mountain tourism ang pinakabagong dagdag sa mga produkto na ipinakilala ng DOT-10, kung saan kabilang din ang packages para sa farm tourism, dive tourism, faith tourism, at cultural tourism.
Aniya, isa sa mga pangamba na ikinonsidera ng tourism department bago ang paglulunsad sa proyekto ay ang pagbuo ng isang batas ng lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang mga kabundukan sa lugar.
“Legislations should be in place, and communities must be involved in this,” aniya.
Sinabi ni Gideon Lasco ng Philippine Mountaineering Today na ang pagpapaunlad ay hindi lamang dapat nakatuon sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga tao, ngunit para din sa preserbasyon ng mga natural na yaman ng isang lugar ng turismo tulad ng Camiguin.
“The need to protect the mountains is a very valid motivation to take care of the environment. But we who climb mountains, and all our friends, have the opportunity to promote a different kind of motivation to protect the mountains, and that is because we love them,” ani Lasco.
Samantala, nanawagan naman si Mambajao Mayor Jurdin Jesus Romualdo sa mga mountain climbers na tulungan silang ipakalat ang balita tungkol sa bulubundukin ng Camiguin sa kanilang mga pamilya at komunidad.
“Wherever you go, please speak about Camiguin and be our spokespersons to promote Camiguin and help us in our conservation of this beautiful province,” ani Romualdo.
-PNA